Ang kwento ay
nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw nang makapulot ng nganga o ua
(na tawag ng taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay naanyayahan sa isang pistahan
sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya, naakit ang pansin ni Dulliyaw si
Dulaw hanggang si Dulaw ay magkagusto sa kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw
si Dulliyaw ay naisip nitong painumin ng alak si Ya-u hanggang sa malasing.
Habang si Ya-u ay natutulog sa ibang bahay ay saka niligawan ni Dulaw si
Dulliyaw. Pinakain nito ang babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa
pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ang ibig sabihin ay tinanggap na niya
ang pag-ibig na kanyang iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya sa babae na
siya ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga.
Kinabukasan sa
kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulaw sa bahay nina Dulliyaw.
Habang sila’y
kumakain ng nganga, sinabi nito sa babae na siya ay nagpunta roon upang isama
nang umuwi ang dalaga sa kanilang bahay. Nagulat si Dulliyaw sa winika ng lalaki.
Iyon lamang at nagkagulo na ang mga tao sa nayon. Sa pagtakas nila ay
nakasalubong sila ng isang lalaki na may dala-dalang palakol at balak silang
patayin. Bago sila maabutan ng lalaki ay nakaakyat na si Dulaw sa isang puno
upang tumakas. Samantala wala namang mangahas na siya ay lusubin kaya naipasiya
ni Ya-u na tawagin ang mga sundalong Español ng Sakbawan.
At noon nga si
Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kaitaasan ngKalinga na kasama ang
mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si Dulaw na nakaupo pa rin sapuno.
Napag-alaman niya na marami ang tutol sa ginawa niya kaya wala na siyang lakas
na lumaban nang siya ay lagyan ng posas. Sa utos pa rin ni Guwela siya ay
dinakip at nakulong sa Sakbawan.
Makalipas ang
tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat na siya. Humingi si Dulliyaw ng
nganga kay Dulaw. Kinuha ni Dulaw ang huling nganga sa bahay at ito’y
pinagpirapiraso.Bago niya ito maibigay kay Dulliyaw bigla na lamang itong
nawala.
Samantala, sa
pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa paliligo niya sa ilog ay nakapulot siya
ng nganga. Kinain niya ito nang walang alinlangan.
Matapos nguyain
ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis hanggang sa siya ay magsilang ng
isang malusog na lalaki at pinangalanan niya itong Banna. Tatlong taon ang
lumipas. Si Banna ay mahilig makipaglaro sa mga Agta, subalit siya’y madalas na
tinutukso ng kanyang mga kalaro. Sinasabi na kung siya raw ang tunay na Banna
ang ibig sabihin ay siya ang anak ni Dulaw na nakulong sa Sakbawan. Sinumbong
niya ito sa kanyang ina ngunit pinabulaanan ito ng kanyang ina.
Sa isang iglap,
si Banna ay naging malakas at naghangad ng paghihiganti. Isang mahiwagang
pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng kanyang mga kasama sa Sakbawan. At
doon ay kanyang piñatay si Dulliyaw. Sinabi ng isang kasama ni Banna kay Dulaw
na si Banna ay kanyang anak, iyon lang at sila ay dali-daling sumakay sa isang
bangka at sa isang iglap ay nakarating sila sa pook ng Magobya. Mula noon ay
nauso na ang kasalan sa kanilang pook.